Nadakip ng PNP-PRO5 sa Sorsogon NPA SUPPORTER HULI SA BALA, BARIL

ARESTADO ang isang kilalang supporter ng komunistang New People’s Army (NPA) sa inilunsad na law enforcement operation ng mga tauhan ng PNP Police Regional Office 5 sa bayan ng Donsol sa lalawigan ng Sorsogon noong Martes.

Ayon sa ulat na isinumite sa tanggapan ni PNP-PRO5 Regional Director P/BGen. Jonnel C. Estomo, nakumpiskahan ng baril at mga bala ang 58-anyos na si Rommel Abetria Mandane sa ikinasang operasyon sa bisa ng search warrant dahil sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, na inilabas ni Hon. Zach L Zaragoza-Ziga, presiding judge ng RTC Branch 12-FC, noong Hulyo 7, 2021.

Sa impormasyong ibinahagi ni PNP-PRO5 spokesman, P/Major Malu Calubaquib, bandang alas-6:30 ng umaga nang isagawa ng pinagsamang mga operatiba ng Donsol MPS, Provincial Intelligence Unit Sorsogon PPO; Regional Intelligence Unit 5; PIT4 Sorsogon at Sorsogon 1t PMFC ang operasyon sa Brgy. Banuang Gurang, Donsol, Sorsogon.

Nakuha mula sa suspek ang isang kalibre .45 pistola, at apat na magazine na loaded ng 32 bala.

Ayon sa ulat mula sa Sorsogon Police Provincial Office, si Mandane ay isa umanong aktibong tagasuporta ng komunistang NPA. (JESSE KABEL)

344

Related posts

Leave a Comment