21 TIMBOG SA ‘DATING SITE’ SA VALENZUELA

UMABOT sa 21 katao ang arestado sa isang call center na pugad umano ng kahalayan at online scam sa Valenzuela City.

Hindi nakaporma ang mga suspek nang dakmain ng mga parak sa ikalawang palapag ng hindi pinangalanang gusali sa lungsod ngunit nagmatigas ang tagapamahala ng establishment na idiniing wala silang ilegal na ginagawa.

Ayon sa pulisya, noong Mayo ay may nag-tip sa kanila hinggil sa umano’y kalaswaan at panlolokong nangyayari sa nasabing establishment na ang modus umano ay mang-akit ng mga dayuhan sa pamamagitan ng pekeng profile pictures at mahahalay na larawan ng mga babae.

Sa sandaling kumagat ang sabik na dayuhan sa pain, hihingiin na agad ang mga detalye ng credit card nito at sisingilin ng $50. Matapos makuha ang dolyares, iba-block na ang dayuhan.

Napag-alamang P800 ang komisyon ng mga ‘kawani’ ng nasabing establisyemento, at ipinalalagay na kaya marami ang nahihikayat na pumasok dito kahit batid na ilegal ang kanilang gawain ay dahil sa hirap kumita ng pera lalo na sa panahon ng pandemya. (ALAIN AJERO)

132

Related posts

Leave a Comment