Anak ng dating gabinete ni Tita Cory SINITA NG PULIS NAGWALA, NAGMURA

ARESTADO ang umano’y anak ni dating Transportation and Communication Secretary Oscar Orbos makaraang pumalag at murahin ang mga pulis na sumita sa kanya dahil sa traffic violation sa Muntinlupa City kamakalawa.

Ang suspek na si Franz Luke Orbos y Sioson ay sinampahan ng kasong alarm and scandal, resistance and disobedience in person in authority or agent, at direct assault.

Ayon sa ulat ng mga awtoridad, sinita ng mga pulis sa Muntinlupa ang suspek dahil sa traffic violation habang minamaneho ang kanyang Toyota SUV na may plakang NCR 6181.

Ngunit pumalag ang suspek at minura ang mga pulis. “Bakit n’yo ko titiketan, anong ginawa ko?” galit na tanong ni Orbos sa mga pulis.

Nang akmang poposasan ng mga pulis ay sinabi ng suspek ang katagang, “Bakit n’yo ko poposasan, putang ina n’yo, ‘di n’yo ba ko kilala? ‘Di n’yo ba alam sino tatay ko?”

Ipinakita ng suspek sa mga pulis ang kanyang ID para patunayang isa siyang Orbos.

Si Oscar “Ka Oca” Orbos ay miyembro ng gabinete ni yumaong dating Pangulong Cory Aquino. Nagsilbi siyang Executive Secretary at Secretary of Transportation and Communications.

Nanungkulan din ito bilang gobernador at kinatawan ng Pangasinan.

281

Related posts

Leave a Comment