MAGSASAKA ITINUMBA SA QUEZON

QUEZON – Patay ang isang magsasaka makaraang pagbabarilin sa bayan ng Tiaong sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng umaga.

Dalawang tama ang bala sa ulo ang tumapos sa buhay ni Rodolfo Malayo Mondalico alyas “Pulang Araw,” 34-anyos, tubong Dipolog, Zamboanga Del Norte at residente ng Brgy. Paiisa, Tiaong.

Ayon sa Tiaong Police, naglalakad ang biktima sa national road sa kanilang barangay nang dumating ang hindi kilalang kalalakihan na biglang pinagbabaril si Mondalico.

Pagkaraan ay mabilis na tumakas ang mga suspek.

Palaisipan pa sa pulisya ang posibleng motibo ng mga suspek sa krimen. (NILOU DEL CARMEN)

 

100

Related posts

Leave a Comment