1K TRAFFIC ENFORCERS KAILANGAN NG MMDA

KUNG may nangyayaring sibakan sa puwesto ay nag-hire naman si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Benhur Abalos ng 1,000 traffic enforcers para sa MMDA.

Napaulat kasi na may 240 tauhan ng District Traffic Enforcement Unit sa lungsod ng Maynila ang sinibak sa puwesto.

“Sa amin po sa MMDA ay nag-hire pa kami ng 1,000 na additional na traffic enforcers. Kaya kung makikita ninyo po, ito’y nakakalat sa Kalakhang Maynila lalo na po sa mga panahon ngayon,” ayon kay Abalos.

Nauna rito, kinumpirma ni Manila Police District (MPD) Director Police Brigadier General Leo Francisco na tinanggal niya sa puwesto ang 240 tauhan ng District Traffic Enforcement Unit.

Ang mga ito ay matagal nang naka-assign sa nasabing unit o overstaying na sa posisyon. (CHRISTIAN DALE)

177

Related posts

Leave a Comment