TULOY-TULOY na ang pagbubukas ng klase para sa SY 2021-2022 sa darating na Setyembre 13, 2021.
Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ito’y matapos aprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang rekomendasyon ng Department of Education (DepEd) kaugnay sa nasabing school opening.
Ani Sec. Roque, maaaring magsimula nang mas maaga ang mga klase sa private schools at non-DepEd public schools “provided” na walang face-to-face classes at ang mga nasabing paaralan ay istriktong ipatutupad ang distance learning modalities.
Sa kabilang dako, sinabi naman ng DepEd na magsisimula ang klase sa darating na Setyembre 13, 2021 para sa School Year 2021-2022. Ito ay ipinahayag ng DepE matapos aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang petsa mula sa mga pinagpiliang inirekomenda ni Education Secretary Leonor Briones.
“We thank the President for his full support to the delivery of quality basic education for the incoming school year,” pahayag ng DepEd. (CHRISTIAN DALE)
187 