P2.3-B SMUGGLED FACE MASKS, ATBP. NASABAT SA VALENZUELA

UMABOT sa P2.3 bilyong halaga ng face masks, ukay-ukay at iba pang inangkat na mga kagamitan at ilegal na ipinasok sa bansa ang nasabat sa Valenzuela City.

Natunton ng Bureau of Customs (BoC) ang mga kontrabando sa isang bodega sa Barangay Maysan sa lungsod.

Armado ng ‘letter of authority’ na may lagda ni Customs Commissioner Rey Guerrero ay siniyasat ng mga ahente ng BoC ang bodega.

Sa bisa naman ng Warrant of Seizure and Detention na inisyu ni Manila International Container Port (MICP) District Collector Romeo Rosales, ay kinumpiska ang mga kontrabando dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA). (ALAIN AJERO)

106

Related posts

Leave a Comment