MAG-ASAWANG VENDOR TIMBOG SA DROGA

ARESTADO ang mag-asawang vegetable vendor sa Libertad Market, Pasay City sa implementasyon ng search warrant operation ng mga operatiba ng Station Drugs Enforcement Unit (SDEU) noong Biyernes ng gabi sa bahay ng mga suspek sa Brgy. 201, Zone 20, Pasay City.

Sa bisa ng Search Warrant No. 2021-035 na ipinalabas ni Presiding Judge Rowena Nieves Tan ng RTC Branch 118, Pasay City, laban kay Arnel Garcia, hinalughog ng mga operatiba ang bahay ng suspek sa No. 3 Sambakai St., Brgy. 201, Zone 20, Pasay City noong Biyernes ng gabi.

Sa nasabing operasyon na pinangunahan nina Pasay City chief of police, P/Col. Cesar G. Paday-os at SDEU OIC, P/SMS Jonathan R. Bayot, nahuli si Garcia dahil sa pag-iingat at pagtatago ng ilegal na droga na tinatayang 11.09 gramo ng shabu na P75,412 ang street value.

Kasamang inaresto ng mga awtoridad ang asawa ng suspek na si Loreta Garcia.

Ang dalawa ay kapwa nakatala sa Drug Watchlist ng Pasay City. (DAVE MEDINA)

189

Related posts

Leave a Comment