NENE SEX SLAVE NG SENIOR NA STEPFATHER

KALABOSO ang isang 60-anyos na lolo nang kasuhan ng rape ng kanyang kinakasama dahil sa panggagahasa sa menor de edad nitong anak na babae sa Malabon City, noong Biyernes ng gabi.

Alas-9:00 ng gabi nang dakpin sa Gov. Pascual Ave., Brgy. Catmon ang suspek na si Virgilio Manangan, construction worker, sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong rape na inisyu noong Hulyo 8, 2021 ni Judge Rhoda Magdalene Mapili-Osinada ng Malabon Regional Trial Court (RTC) Branch 289.

Mula Laguna ay lumipat ng tirahan ang suspek at kinakasamang si alyas “Tisha” kasama ang biktimang itinago sa pangalang “Katrin,” sa Brgy. Catmon noong taong 2019 makaraang matanggap bilang construction worker si Manangan sa kinukumpuning City of Malabon University (CMU) sa Brgy. Longos.

Nang magsimula ang lockdown dahil sa pandemya noong Marso 2019 ay sinimulan na umanong gahasain ng suspek si Katrin hanggang Nobyembre ng nasabing taon at pirmi nang pinagpaparausan tuwing aalis ang ina ng biktima hanggang sa magsumbong ang bata na naging dahilan upang masampahan ng kaso ang suspek.

Noong 2020 ay kumalas na si Tisha kay Manangan at bumalik ang mag-ina sa kanilang tirahan sa Laguna upang makaiwas sa suspek.

Ngunit nagpasya umano si Tisha na muling makipagrelasyon sa lalaki upang matiyak na hindi ito makatakas hanggang sa bumaba ang arrest warrant ng korte laban sa suspek. (ALAIN AJERO)

662

Related posts

Leave a Comment