PUBLIKO PINAG-IINGAT SA PATULOY NA NARARANASANG PAG-ULAN

HINILING ng Malakanyang sa publiko lalo na sa mga residente ng mga naapektuhang lugar ng malakas na pag-ulan at mataas na tubig baha na manatiling vigilant at alerto.

Hiling din ng Malakanyang na gumawa ng precautionary measures, at makipag-ugnayan sa kani-kanilang mga lokal na awtoridad “in case of an evacuation.”

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na mahigpit na minomonitor ng pamahalaan ang weather situation, lalo na ang mga flood-prone at landslide-prone areas, kung saan ang heavy rainfall warning na dala ng southwest monsoon ay itinaas.

Ani Sec. Roque, mayroong standby funds ang Department of Social Welfare and Development Central Office and Field Offices na nagkakahalaga ng P849.5-M at prepositioned goods na nagkakahalaga naman ng P169.18-M.

Mayroon ding iba pang food at non-food items na nagkakahalaga ng P676.5-M.

“These are readily available to augment the resources of the local government units (LGUs). As to assistance provided, the LGUs have initially extended assistance to affected families in Orion and Samal, Bataan, San Antonio, Zambales and in Balbalan, Kalinga,” ayon kay Sec. Roque.

“As of 10:00 am, July 24, 2021,” sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), na nagsagawa sila ng pre-emptive evacuation para sa 3,316 pamilya at 14,023 katao na kinabibilangan ng 3,077 pamilya at 13, 225 katao sa Marikina.

Ang suplay naman ng kuryente sa 6 na lungsod/ munisipalidad mula sa 10 lungsod at munisipalidad na nakaranas ng power interruption / outage ay naibalik na.

Nagsagawa naman ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng clearing operations sa Brgy. Sta. Rosa sa Alaminos, Laguna at Igdalaquit sa Tobias Fornier, Antique.

Bukod pa sa nagsagawa rin ng road at iba pang clearing operations sa Pag-asa, Sablayan sa Occidental Mindoro; Embrangga-an sa Barbaza, Antique; Loacan at Virac sa Itogon, Benguet; Alno, La Trinidad sa Benguet; Taloy Sur sa Tuba, Benguet.

Samantala, sa naranasan namang lindol kaninang umaga, walang naitalang casualty sa Lubang Island; Occidental Mindoro; Marinduque; Romblon at Palawan, “as of 9AM,” ayon sa NDRRMC.

Ang DPWH naman ay nagtalaga ng teams na tutulong sa structural integrity at damages, kung mayroon man, ng key infrastructure sa Metro Manila, CALABARZON, at MIMAROPA. (CHRISTIAN DALE)

297

Related posts

Leave a Comment