DELTA VARIANT NAKAPASOK NA SA MALABON

Kinumpirma ni Mayor Antolin Oreta na mayroon nang naitalang kaso ng COVID-19 Delta variant sa Malabon City.

Nauna na itong kinumpirma ng punong lungsod sa mga kapitan ng iba’t ibang barangay at ilang kawani ng pamahalaang lungsod ng Malabon sa isinagawang emergency meeting.

“Our City Health Office and other concerned offices are working 24/7 to manage the increase in cases,” ani Oreta.

Bagama’t naka-isolate na ang nagpositibo sa Delta variant at ang lahat ng kanyang close contacts, nakiusap pa rin ang punong lungsod sa mga taga-Malabon na makipagtulungan sa pamahalaan sa pamamagitan ng pagsunod sa minimum health standards katulad ng pagsusuot ng face mask at face shield, regular na paghuhugas ng kamay, paggamit ng alcohol, at pag-iwas sa mass gatherings.

Ayon pa kay Oreta, mas lalo pang pinalakas ng pamahalaang lungsod ng Malabon ang isinasagawang contact tracing, isolation, at vaccination upang maisalba ang buhay ng nakararami. (ALAIN AJERO)

116

Related posts

Leave a Comment