INDEPENDENT EXPERTS PINAGDADAHAN-DAHAN

NAGBABALA ang Department of Health (DOH) sa mga ‘independent expert’ na magdahan-dahan sa pagpapalabas ng mga pahayag ukol sa sitwasyon ng bansa sa COVID-19 pandemic kasunod ng paglilinaw na wala pang bagong ‘surge’ sa Metro Manila.

Ang apela ng DOH ay kasunod ng pahayag ng OCTA Research Group na nag-umpisa na ang bagong COVID-19 surge sa Metro Manila dahil sa biglaang pagtaas muli ng reproduction number sa 1.33 ngayong Hulyo mula sa 0.6 noong Hunyo.

Aminado ang DOH na may pagtaas sa mga kaso ngunit hindi pa umano ito matatawag na ‘surge’.

Base sa pagsusuri ng DoH Epidemiology Bureau, nakapagtala ng 19% sa ‘two-week growth rates (TWGR)’ at ‘average daily attack rate (ADAR) sa anim na kaso kada 100,000 populasyon na nasa ‘moderate risk’ pa umano.

“While we acknowledge the differences in the metrics and methods of analysis used by these independent groups, we share the same goal to keep the case numbers down and improve the healthcare system of the country,” paliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire. (RENE CRISOSTOMO)

87

Related posts

Leave a Comment