STOCKPILING BILL LUSOT NA SA KAMARA

APRUBADO na sa ikatlo at pinal na pagbasa sa mababang kapulungan ng Kongreso ang panukala na magpapalakas sa kapasidad ng Pilipinas na tumugon sa posibleng pagtama ng iba pang pandemya sa hinaharap.

Ang House Bill No. 9456, kilala bilang “Health Procurement and Stockpiling Act”, ay naglalayong protektahan ang kalusugan ng publiko sa pamamagitan ng pagtugon sa problema at masiguro na magkakaroon ng “access” ang publiko sa mga gamot, bakuna at iba pang gamit na kritikal sa panahon ng health emergencies, tulad ngayon na may COVID-19 pandemic.

Pangunahing may akda sa panukala si Quezon Representative Angelina “Helen” Tan na siya ring chairperson ng committee on health.

Ayon sa mambabatas, hangad ng Stockpiling Bill na maiwasan ang mga naging problema sa kakapusan ng suplay ng face masks, PPEs, ventilators, at RT-PCR test kits at mga makina.

Sa ilalim ng panukala, bubuo ng isang Health Procurement and Stockpiling Bureau, sa ilalim ng Department of Health (DOH).

Tiniyak naman ni Tan na hindi matetengga sa mahabang panahon ang mga gamot, bakuna at iba pang kagamitan para agad mapakinabangan ng publiko at maiwasan ang expiration o pagkasayang ng mga ito.

“The COVID-19 pandemic has shown the need to preposition critical and strategic pharmaceuticals and medical devices as well as the supply of raw materials. The country needs to be proactive in its response to public health emergencies”, ayon pa sa kongresista.

Naniniwala si Tan na ang panukalang batas ay hakbang upang maging matatag ang public health system ng bansa.

137

Related posts

Leave a Comment