GCQ WITH STRICT QUARANTINE MEASURES SA NCR, IBA PANG LUGAR

NAPAGKASUNDUAN ng Metro Manila mayors na hilingin sa Inter-Agency Task Force ang “stricter quarantine measures” bunsod ng kamakailan lamang na pagsirit ng kaso ng COVID-19.

Sa isang kalatas, sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority chairman Benhur Abalos na handa ang Metro Manila mayors na ibalik ang enhanced community quarantine ng dalawang linggo kung ang pamahalaan ay mayroong available na pondo para sa social amelioration program.

Matapos aniyang sundin ang payo ng mga health expert at assessment ng 17 Metro Manila mayors, napagkasunduan na mahigpit na ipatupad ang PDITR at ang kahilingan na hindi bababa sa 4 milyong bakuna para protektahan ang NCR population laban sa posibleng pagkalat ng mapanganib na Delta variant ng COVID-19.

“Needless to say, SAP is important to address the concerns of underprivileged families as they will be the ones who will be greatly affected by the ECQ declaration,” ani Abalos.

Sakali naman aniya na ipatupad ang “stricter measures” sa Kalakhang Maynila, hiniling ng MM mayors na maglaan ng hindi bababa sa 4 na milyong bakuna para sa NCR na ipinangako na ia-administer sa loob ng dalawang linggo.

Nangako rin ang NCR mayors na magpupulong araw-araw para i-assess ang sitwasyon ang kani-kanilang lokalidad, napag-usapan din ang “course of actions” laban sa Delta threat at sama-samang irerekomenda sa national government, sa pamamagitan ng IATF, ang mahalagang “quarantine restrictions and measures.” (CHRISTIAN DALE)

99

Related posts

Leave a Comment