PAGGAMIT NG Q PASS IPINAUBAYA SA LGUs

IPINAUBAYA na ng Metro Manila Council (MMC) sa Local Government Units (LGUs) ang desisyon na hilingin ang paggamit ng quarantine pass sa mga taong lalabas ng bahay bilang paghahanda para sa ECQ mula Agosto 6 hanggang 20.

Sinabi ni MMDA chair Benhur Abalos na posibleng i-revive o buhayin ang paggamit ng quarantine pass, habang ang NCR ay mahaharap sa strictest lockdown, sa gitna ng banta ng Delta variant at patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

“If it’s ECQ talaga, ang basic principle niyan ay pwede ka lumabas to buy essential goods. Hindi ka pwede lumabas outside of that except kung APOR (authorized person outside residence) ka,” aniya.

“Ang hirap kasi mag-quarantine passes ng metrowide, dahil we’re racing against time here. It’s so hard. Siguro whatever was practiced before by LGU, yun na lang tutuparin namin,” dagdag na pahayag ni Abalos. (CHRISTIAN DALE)

159

Related posts

Leave a Comment