INANUNSYO ng Commission on Election na nadagdagan ng 5.4 milyong bagong botante ang bansa makaraang magparehistro bago ang tatlong buwan na lamang na nalalabi sa ibinigay na palugit ng COMELEC.
“As of July 10, we have around 5.45 million registrants @COMELEC. If we automatically reactivate 6.3 million that would be a record,” ang Twitter post ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon.
Ayon kay Commissioner Guanzon, magtatapos ang pambansang pagpaparehistro sa Setyembre 30 habang naabot na ng Comelec ang kanilang target na apat na milyong bagong rehistrado
Samantala, hindi pa naa-update ng Comelec ang naaprubahan nang mga aplikasyon sa ginanap na Election Registration Board (ERB) hearing noong Hulyo 19.
Tinalakay rin nila ang posibleng pag-activate ng mga rehistradong botante na na-deactivate dahil sa hindi paglahok sa dalawang magkasunod na halalan.
“Comelec en banc will study if we can use online to: a) revalidate or restore all names of those who failed to vote 2x consecutive elections, b) i-rehistro for individual revalidation. That’s more than 6M voters,” dagdag pa ni Guanzon. (RENE CRISOSTOMO)
146 