2 FIRE TRUCKS NAGSALPUKAN SA CALOOCAN

APAT na bumbero ang sugatan makaraang magsalpukan ang dalawang firetrucks sa Caloocan City noong Martes ng gabi.

Tumilapon mula sa kanilang mga sasakyan ang nasabing mga bumbero nang mangyari ang insidente sa panulukan ng 4th Ave. at D. Aquino St.  sa nasabing lungsod.

Nahagip ng closed-circuit television camera ng Barangay 50, Zone 50 ang dalawang humahagibis na sasakyan patungo sa nasabing kanto hanggang sa magsalpukan ang mga ito.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente at inaalam ang pagkakakilanlan ng sugatang mga bumbero. (ALAIN AJERO)

254

Related posts

Leave a Comment