HINDI nakapalag ang isang 18-anyos na lalaki nang arestuhin ng mga tauhan ng Manila Police District dahil sa kasong rape, sa Tanza, Cavite noong Martes ng hapon.
Ang suspek na si Reniel Vito y Inventor ay nadakip ng mga tauhan ng District Police Intelligence Operation Unit ng MPD, sa pangunguna ni P/Major Carlo Loñosa, sa tinutuluyan nito sa Block 31, Lot 52, Caya Amaya Subdivision, South Extension, Tanza dakong alas-1:30 ng hapon.
Inaresto ang suspek na tinaguriang top 9 most wanted person ng MPD, sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Presiding Judge Roy Gironela ng Regional Trial Court Branch 43 sa Manila dahil sa kasong panggagahasa at child abuse. (RENE CRISOSTOMO)
196 