5% na lang ang kailangan bakunahan POPULATION PROTECTION MAKAKAMIT NA SA NCR

TINATAYANG 5 porsiyento na lang ang kailangang bunuin sa pagbabakuna sa Kalakhang Maynila para makamit na ang inaasam-asam na population protection pagkaraan ng dalawang linggong enhanced community quarantine (ECQ).

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, mangyayari lamang ito kapag naabot ang 4 million target jabs simula sa Agosto 8 hanggang 20.

Aniya, sakali’t makuha ang apat na milyong indibidwal na dapat mabakunahan sa dalawang linggong lockdown ay kagyat na papalo sa 45 percent ang matuturukan ng COVID vaccine at halos abot-kamay na ang 50% target population.

Dahil dito, tiwalang sinabi ni Sec.Roque na makakayang abutin ang mahigit 250,000 kada araw na pagbabuna para makamit ang 4 million jab.

Karamihan aniya kasi pagdating ng ECQ ay maraming hindi na muna magtatrabaho kaya’t magkakaroon ng pagkakataong makapagpaturok.

“Iiwan na po natin iyan sa mga LGUs. At nangako naman po ang mga LGUs sa pamamagitan po ni Chair Abalos na 250,000 a day ang babakunahan nila, ano. So, ang computation ko po at 250,000 a day at 4 million iyong karagdagang supply nila ay makakatapos po sila ng 4 million vax in 16 days. So kayang-kaya po iyan at iyan namang 250,000 po ay minimum iyan. Inaasahan natin dahil karamihan naman po ay hindi magtatrabaho, eh makakaya pong mas marami pa sa 250,000 a day,” litanya ni Sec. Roque.

“Now, kapag nakamit nga pala po natin iyang additional 4 million jabs, that will bring our total vaccinated individuals sa Metro Manila to around 45%, 5% na lang po ay pupuwede na tayong magkaroon ng population protection sa Metro Manila,” dagdag na pahayag nito. (CHRISTIAN DALE)

215

Related posts

Leave a Comment