TULAK NASUKOL NG PNP BICOL

TINATAYANG 50 gramo ng hinihinalang shabu ang nasabat ng pinagsanib na pwersa ng Naga City Police Station 6, PDEA Cam Sur at Cam Norte sa ikinasang buy-bust operation noong Agosto 3 sa Vista Mall parking lot, Brgy. Del Rosario, Naga City.

Sa isinumiteng ulat kay PNP-PRO5 Reginal Director Jonnel C. Estomo mula sa Naga City Police Office, na pinamumunuan ni P/Col. Marlon M. Catan, City Director, dakong alas-6:15 ng gabi nang mangyari ang palitan ng droga at bayad sa pagitan ng poseur buyer at suspek na kinilalang si Cesar C. Novelo, 45, may asawa, at residente ng Zone 1, Urban Poor, ng nabanggit na barangay.

Kabuang P340,000 halaga ng umano’y shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad mula kay Novelo.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Samantala, ipinaabot ni P/BGen. Estomo ang kanyang papuri sa mga bumuo sa operasyon. Aniya, ang malakas at solid na ugnayan ng PNP Bicol at PDEA ang naging pundasyon sa pagkakahuli sa maraming tao na sangkot sa pagpapalaganap ng ilegal na droga sa rehiyon at maging ang kumpiskasyon ng mga ito.

“Ang kapulisan ng Bicol ay patuloy na dudulog at mas pagtitibayin ang

koordinasyon sa PDEA at iba pang ahensya ng gobyerno upang isawata ang ilegal na droga sa ating komunidad,” dagdag ni RD Estomo. (JESSE KABEL)

182

Related posts

Leave a Comment