Eleazar kumambyo matapos batikusin BAN SA MGA DRIVER NG APOR BINAWI

MATAPOS pumalag ang mga authorized persons outside of residence na hindi papayagang maghatid-sundo sa kanila ang hindi APOR, binawi ng Philippine National Police (PNP) ang naunang abiso.

Ito, ayon kay PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar, ay matapos nilang humingi ng guidance sa National Task Force kaugnay ng pagpapatupad ng ECQ sa National Capital Region simula ngayong araw hanggang sa Agosto 20.

Subalit, kinakailangan magpakita ng karagdagang mga dokumento ang mga non-APOR na drayber, ayon kay Eleazar.

Kinakailangan na magpakita ang mga drayber ng certificate of employment ng APOR na kanilang ipagmamaneho. Kailangang nakalagay rin sa nasabing katibayan ang pangalan ng non-APOR driver, ang description ng gagamiting sasakyan, at pati na rin ang contact number ng employer.

Dapat ding magpakita ng kopya ng business permit ng employer para mapatunayan na kasama ang manggagawa sa permitted industries na pwedeng magbukas sa gitna ng ECQ, ayon kay Eleazar.

Nitong Martes, inihayag ng PNP na ipagbabawal sa mga APOR na magpahatid o magpasundo gamit ang kanilang pribadong sasakyan. (JESSE KABEL)

137

Related posts

Leave a Comment