QUEZON – Patay ang isang ice cream vendor matapos na tadtarin ng saksak ng kanyang tinalo sa sugal na cara y cruz sa Barangay Cotta, Lucena City noong Sabado ng tanghali.
Kinilala ang biktimang si Noel Punzalan, taga Barangay 9.
Batay sa report ng Lucena City Police, nagwala ang suspek na construction worker na si Reymart Postares, 29, matapos maubos ang pera nito sa naturang sugal makaraang talunin ng biktima.
Dinaya raw siya na nagresulta sa kanilang mainitang pagtatalo hanggang sa pagsasaksakin ng suspek ang biktima.
Dead on arrival sa ospital ang biktima habang mabilis na naaresto ang suspek na sasampahan ng kasong homicide. (NILOU DEL CARMEN)
240 