CAVITE – Umabot sa P24K cash na kita ang natangay ng hinihinalang akyat-bahay sa isang kilalang fastfood restaurant sa Tagaytay City noong Linggo ng hapon.
Ayon sa salaysay ni Michelle Duenas, 31, cashier ng Mang Inasal sa Olivarez Plaza sa Brgy. San Jose, Tagaytay City, kay Corporal Cipriano Contreras III ng Tagaytay Police Station, dakong alas-4:30 ng hapon nang madiskubre na pinasok ang kanilang restaurant ng hinihinalang akyat-bahay.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, pinasok ang tindahan sa pamamagitan ng pagputol sa bubong na bakal at nang nakapasok ay tinangay ang vault ng tindahan na may lamang P24,440 cash.
Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente. (SIGFRED ADSUARA)
