AMERICAN COUPLE PATAY SA SUNOG

NORTH COTABATO – Kapwa patay na nang matagpuan ang mag-asawang Amerikanong misyunaryo matapos na masunog ang inuupahan nilang bahay sa Kings Street, Queenies Love Village Subdivision sa Barangay City Heights, General Santos City noong linggo ng madaling araw.

Kinilala ang mga biktimang sina Jonathan Steffy at Roberta Steffy, parehong nasa hustong gulang at kapwa American missionaries ng relihiyong Mt. Calvary.

Ayon kay SFO1 Filamer Acob, imbestigador ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng lungsod, nangyari ang sunog alas-3:00 ng madaling araw sa kabila ng malakas na buhos ng ulan subalit pasado alas-4:00 na umano ng madaling araw ito nai-report sa kagawad ng pamatay-sunog dahilan kung bakit halos natupok ang nasabing bahay.

Posible umanong na-trap ang mag-asawa sa isang silid dahil naka-lock ang kwarto kung saan natagpuan ang bangkay ng mga ito.

Kabilang din sa nasunog ang mini-van ng mag-asawa na ginagamit ng mga ito sa kanilang magmimisyon.

Posible umanong ang wire ng kuryente sa kisame ang sanhi ng sunog na nag-short circuit.

Gayunpaman, patuloy na iniimbestigahan ng BFP ang insidente. (BONG PAULO)

185

Related posts

Leave a Comment