P7-B PEKENG DESIGNER GOODS HAGIP SA PASAY

HAGIP ng Bureau of Customs (BOC) ang hindi bababa sa P7.4-bilyong halaga ng mga pekeng designer goods mula sa isang storage facility sa Lungsod ng Pasay.
Bitbit ang mission order na ipinalabas ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero, ininspeksyon ng mga kawani ng nasabing ahensya ang isang storage facility sa Bagong Milenyo, kung saan tumambad ang sandamakmak na pekeng designer goods.
Kabilang sa mga dinatnan ng mga Customs operatives ang mga signature items na may tatak na Louis Vuitton, Gucci, Vans, Fubu, Tribal, Under Armour, Nike, Adidas, Zara, H&M, Calvin Klein, Old Navy, Guess, Lee, Tommy Hilfiger, Lacoste, Havaianas, Freego, Wrangler, Burberry, Jordan, Gap, Bershka, Macbeth, Puma, Hollister, Reebok, Joe Malone at Bulgari.
Sa pagtatala ng BOC, may kabuuang halagang P7,429,638,000 ang nakumpiskang kontrabando – ang pinakamalaking nasabat ng nasabing ahensiya sa isang operasyon sa loob ng mahabang panahon.
Sinamsam ng BOC ang mga naturang epektos batay sa Section 108-F ng Republic Act 10863 o higit na kilala bilang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) at RA 8293 o ang Intellectual Property Code of the Philippines.
217

Related posts

Leave a Comment