P2-B ISINAKRIPISYO SA LOCKDOWN

TANGGAP ng Malakanyang na malaki talaga ang mawawala sa ekonomiya ng bansa kasunod ng desisyon na isailalim sa ECQ ng 2 linggo ang National Capital Region (NCR).

Ito ang pahayag ni Presidential spokesperson Harry Roque sa gitna ng ulat na nasa P1.5 bilyon ang halagang mawawala sa NCR pa lamang sa kada linggong pagpapatupad ng lockdown.

Inamin ni Sec. Roque na sadyang napakamahal ng halaga ng lockdown subalit kailangang gawin dahil sa tumataas na kaso ng tinatamaan ng COVID-19.

“Naiintindihan po namin na talagang napakamahal ng halaga ng lockdown, pero hindi naman po natin i-impose iyan kung hindi po talaga magdudulot nang mas malaking problema kung hindi tayo magla-lockdown,” ayon kay Sec. Roque.

“Ulitin ko po, sang-ayon po doon sa pag-aaral ng FASSSTER, 525,000 po pagkatapos lamang ng Setyembre kung mananatili tayo sa GCQ. At tingin ko po, hindi tayo magkakaroon ng sapat na hospital, beds at ICU units para alagaan iyong napakaraming kinakailangan maospital kung ang total number will be 525,000,” dagdag na pahayag nito.

Mas malaking problema aniya kung hindi ipatutupad ang pinakamahigpit na quarantine protocol.

Giit ni Sec. Roque, kailangan aniya talagang ma- contain ang virus sa Metro Manila dahil kasunod nitoy containment na ng pagkalat sa buong Pilipinas ng virus.

“So paunawa po, pero hindi po natin ginagawa ito for no reason at all. Ito po talaga is to save lives,” ayon kay Sec. Roque. (CHRISTIAN DALE)

206

Related posts

Leave a Comment