EMPLEYADO NG BI, KINABIT NI SIR, NA-PROMOTE

ISANG magandang contractual employee ng Bureau of Immigration (BI) ang na-promote bilang Immigration Officer matapos umanong makipagrelasyon ito sa kanyang opisyal.

Ayon sa ating source, itatago na lamang natin sa pangalang Kim na talaga naman umanong kutis porselana at sexy kung kaya’t nahulog ang underwear ng kanyang boss na isa sa mataas na mga opisyal ng BI na may sabit na rin sa buhay at madalas umanong makita ang mga ito na mag-check in sa isang hotel sa Roxas boulevard.

Bukod sa kapalit ang pag-promote sa kanya bilang immigration officer ay binigyan pa umano ito ng isang bagong sasakyan at mamahaling gadgets na mas mahal pa sa iPhone 12? Wow! Hmm… talaga palang galante itong si Mr. Official. Ingat ka lang Sir at baka magaya ka kay Mr. Clean na sa ­sobrang Bogli sa katawan ay nabuking ng kanyang tigre na misis.

Kahit mayroon umanong boyfriend itong si alias Kim ay inilihim nito ang pakikipagrelasyon sa kanyang opisyal. Aba eh baka naman hanggang fishball lang kasi ang kaya nitong ipakain? ayan tuloy nakahanap ng kikiam kaya sorry ka.

Matagal nang nangyayari ang ganitong kalakaran sa ahensya lalo’t kung maganda at sexy ang isang OJT o kaya ay isang job order employee. Lalo sa panahon ngayon ng pandemic ay talaga namang kakapit sa patalim upang masuportahan ang pangangailangan.

Hindi naman masama na umasenso at maging regular ang isang government employee ngunit kung ito’y dumaan sa maruming paraan gamit ang kapangyarihan ng opisyal ay hindi maganda lalo’t mas marami pang deserving na empleyado na inabot na ng ilang dekada at nakapako pa rin bilang JO.

Samantala, kung masaya itong si alias Kim sa piling ni Mr. Official ay marami naman ang contractual employees ng ahensya ang lalong nahihirapan dahil ang kanilang maliit na suweldo ay binawasan pa dahil wala na raw umanong pondo ang ahensya?

Masuwerte lang talaga itong kagaya ni Macho Chiquito at alias GL ng BCIU sa airport na hindi apektado dahil sa kanilang kinikita sa pangongotong sa mga Chinese.
Para sa inyong Sumbong at Reaksyon maaari ninyo akong i-text sa 09158888410.

(ANG mga ipinapahayag sa kolum na ito ay ­sariling opinyon ng sumulat at hindi ­saloobin ng pahayagang SAKSI Ngayon – Patnugot)

217

Related posts

Leave a Comment