Phl consulate sa HK pinakikilos OFWs DUSA SA VAX CARDS

NAGDURUSA ang maraming overseas Filipino workers (OFWs) na patungong Hong Kong habang naghihintay sa hakbang ng gobyerno kaugnay sa kanilang vaccination cards hindi tanggap sa nasabing bansa.

Dahil dito, pinakikilos ni House assistant majority leader Nina Taduran ang Philippine Consulate sa Hong Kong na ipaliwanag sa Hong Kong Special Administrative Region ang isyu sa vaccination card ng OFWs.

Ginawa ni Taduran ang nasabing kautusan matapos hindi kilalanin ng Hong Kong ang vaccination card ng OFWs na nagpapatunay na nabakunahan na ang mga ito.

“It should be clarified if the international certificate of vaccination issued by the Bureau of Quarantine will be accepted as proof of vaccination of our OFWs bound for Hong Kong,” ani Taduran.

Base sa mga report, hindi kinikilala ng Hong Kong ang dala-dalawang vaccination card ng mga OFW na bumalik sa kanilang trabaho kaya inoobliga ang mga ito na muling magpabakuna.

Dahil dito, natetengga umano ang pag-alis ng mga OFW patungong Hong Kong, hindi lamang ang mga bagong deployed worker kundi ang mga returning OFW.

“Likewise, our government should fast track the issuance of this yellow vaccination passport so our OFWs can immediately return to their work in Hong Kong,” mungkahi pa ni Taduran.

Gumagastos aniya ang mga OFW para makaalis at makapagtrabaho sa Hong Kong subalit nahihirapan ang mga ito dahil ayaw kilalanin ang kanilang vaccination card.

“While they are waiting, the government should offer help in sustaining the daily needs of the OFWs especially those who came from the province,” ayon pa sa kinatawan ng ACT-CIS party-list. (BERNARD TAGUINOD)

165

Related posts

Leave a Comment