MULING naghahanda ang Office of Senator Cynthia Villar para sa malawakang anti-COVID vaccination ng 3rd batch ng 3,000 Filipino seafarers sa The Villar Tent sa Vista Global South, Las Pinas City na gagawin sa third week ng August 2021.
Dahil sa kahilingan ng Maritime Industry Authority (MARINA), muling ipagagamit ng Villar Family ang The Villar Tent ng libre kaya walang gastos dito ang ating pamahalaan. Nauna nang isinagawa rito ang pagbabakuna sa 2 batches ng Pinoy seafarers.
Binakunahan dito ang 1,100 seafarers noong June 25 at 5,000 naman noong July 28, 29, August 2 at 3.
Ang family-owned Villar Tent ang nag-iisang privately-owned facility na pinili ng MARINA na isa sa kanilang tatlong vaccination sites. Ang dalawa pa ay ang Bureau of Quarantine (BOQ) Central sa Port Area, Manila at Office of the Associated Marine Officers’ and Seamen’s Union of the Philippines (AMOSUP) sa Intramuros, Manila.
Paboritong vaccination site ng seafarers ang The Villar Tent dahil sa maayos ang proseso rito ng pagbabakuna. Komportable rin ang mga nagpapabakuna dahil sa malawak ito kaya nasusunod ang physical distancing.
Meron din itong sapat na seating capacity, fully-air conditioned na may maayos na air circulation at malinis na banyo. Tinitiyak din na “disinfected” ang The Villar Tent at sinusunod ang health at safety protocols gaya ng pagsusuot ng face masks at face shields.
Sinabi ng seafarers na naging komportable ang kanilang vaccination rito noong July at August.
Dahil sa requirement ng kanilang overseas employment, tanging Western vaccines gaya ng Pfizer, Moderna at Jansen ang itinuturok sa seafarers. Inaasahan na ito rin ang ibibigay sa 3rd batch of seafarers.
Ang pagbabakuna sa 3rd batch sa The Villar Tent ay naaayon sa partnership ng Office of Senator Villar at MARINA para sa “smooth, safe and swift vaccination rollout to benefit the seafarers.”
“The vaccination of our Pinoy seafarers will allow them to go back to their ship safely to resume work in order to earn a living, as well as to give them the necessary protection against the COVID-19 and its many variant, including the most infectious and highly transmissible Delta,” ayon kay Villar.
Ipinahayag ni Marina Administrator, Vice Admiral Robert Empedrad, na inaasahan nilang may 15,000 doses ang rollout sa 3rd batch ng seafarers sa National Capital Region.
May 5,000 o 6,0000 ang ibibigay sa The Villar Tent.
Inaasahan din ni Empedrad ang 80,000 karagdagang bakuna na ipadadala sa iba pang rehiyon para sa seafarers. Aniya, ito ang ipinangako ni IATF Sec. Carlito Galvez.
Sa pakikipagtulungan ng senador at anak na si Las Pinas Rep. Camille Villar, iginiit ni Empedrad na malapit na nilang matupad ang adhikain na matiyak ang kaligtasan at kalusugan ng ating modern-day heroes pati na rin ang kanilang pamilya at mga katrabaho.
Sinabi naman ng senador na masaya siya dahil sa patuloy na pagbabakuna sa Filipino seafarers na tumutulong para manatili ang ating ekonomiya sa kabila ng pandemic.
“The marine sector has been adversely hit by the pandemic due to shut down operations of ship companies as the COVID-19 virus battered the global economy. But with the vaccination, the senator said they can be “on board” anew and get pay to provide for their families and help in the country spur its recovery from an economic slump.” (ESTONG REYES)
