CAMP VICENTE LIM – Sa hangaring tiyaking hindi na makakatawid pa ang peligrong dala ng nakakahawang COVID-19, mas mahigpit na border control ang ipinatutupad ngayon sa hangganan ng mga lalawigan ng Batangas at Laguna.
Bahagi ng pinaigting na border control na ipinatutupad ng Regional Highway Patrol Group ay ang “Oplan Habol” kung saan itinalaga ang mga motorcycle units sa mga checkpoints upang tugisin ang magpipilit makaalpas sa checkpoint.
Bukod sa hangganan ng dalawang lalawigan, nagtalaga din ng bukod na pulutong ang HRP region IV-A sa Barangay Makiling.
Sa pamumuno ni Regional Chief Colonel Samson Belmonte ng RHPU 4-A, nakaantabay din sa lugar ang Calamba City Police at Public Order and Safety Office (POSO) para sa pag-iisyu ng citation tickets. Sa pinakahuling datos, 21 drayber na ang natiketan bunsod ng ibat-ibang paglabag.
Pinababalik naman ng pinagsanib ng pwersa ng RHPG at lokal na pamahalaan ang mga Unauthorized Persons Outside Residence (UPOR). (CYRILL QUILO)
301 