7 DAGDAG SA COVID DEATHS SA CAMANAVA

MULING nakapagtala ng pitong namatay sa mga lungsod ng Malabon, Navotas at Valenzuela dahil sa COVID-19, batay sa pinakahuling ulat ng health offices ng nasabing mga lungsod.

Ayon sa ulat, apat ang binawian ng buhay sa Malabon City at umakyat na sa 520 ang COVID death toll ng lungsod.  Ayon sa City Health Department, 153 ang nadagdag na confirmed cases noong Agosto 20 at sa kabuuan ay 15,921 ang positive cases sa Malabon, 874 dito ang active cases.

Umabot naman sa 81 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sila ay mula sa Barangays Acacia (3), Baritan (10), Catmon (2), Concepcion (4), Dampalit (16), Flores (3), Ibaba (6), Maysilo (3), Niugan (1), Potrero (21), San Agustin (1), Santulan (5), Tañong (2), Tonsuya (3), at Tugatog (1). Sa kabuuan ay 14,527 ang recovered patients ng Malabon.

Umakyat naman sa 602 ang total COVID deaths sa Valenzuela matapos na dalawang pasyente ang binawian ng buhay.

Nabatid sa City Health Office-City Epidemiology and Surveillance Unit, hanggang 8pm noong Agosto 20 ay 1,361 ang active COVID cases sa lungsod matapos na 126 ang nagpositibo sa virus at 158 naman ang gumaling.

Pumalo na sa 24,825 ang nasapul ng pandemya sa Valenzuela, at sa naturang bilang ay 22,862 na ang gumaling.

Samantala, sumampa naman sa 421 ang COVID casualties sa Navotas matapos na isang pasyente ang nalagutan ng hininga.  Hanggang 11:59 pm noong Agosto 19 ay 1,310 ang active cases sa fishing capital matapos na 88 ang mahawaan at 84 naman ang gumaling.

Pumalo na sa 13,163 ang total COVID cases sa lungsod at sa naturang bilang ay 11,432 na ang nakarekober.

Wala pang inilalabas na COVID-19 cases update ang Caloocan City habang isinusulat ito. (ALAIN AJERO)

183

Related posts

Leave a Comment