MGA PASAWAY SA MECQ SA CAVITE, UMABOT SA 7,885

CAVITE – Umabot sa 7,885 na indibidwal ang naitalang sumuway sa mga ipinagbabawal sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) na pinaiiral sa lalawigan.

Ayon sa ulat ng Cavite Police Provincial Office (PPO), sa nasabing bilang ay 790 ang hindi nagsuot ng face mask; 1,193 ay hindi tama ang pagsuot ng face mask o nakababa; 3,402 naman ang hindi nagsuot ng face shield; 1,942 ang hindi tama ang pagsuot ng face shield o nakataas lamang; 158 ang hindi sumunod sa social distancing at 400 ay hinuli dahil sa paglabag sa curfew hours.

Sa kabuuang bilang, 49 sa kanila ay nagbayad ng danyos habang tatlo ang inaresto.

Ayon sa Cavite PPO, isinagawa ang operasyon sa loob ng 24-oras sa buong lalawigan ng Cavite. (SIGFRED ADSUARA)

169

Related posts

Leave a Comment