P126K SHABU NASABAT SA BUY-BUST, 6 TIKLO

CAVITE – Mahigit P100,000 halaga ng umano’y shabu ang nakumpiska habang anim katao ang nadakip sa ikinasang buy-bust operation sa magkahiwalay na lugar sa Bacoor City nitong Linggo ng madaling araw.

Kinilala ang arestado na sina Beverly Sarinas, Nino Devara, Jayson Halog, Edison Villamero, 39; Eyasa Mahilon, 43, at Joselindo Aguilar, 33-anyos.

Ayon sa ulat ni P/SSgt. Christian Nel Cuevas ng Bacoor City Police Station, dakong alas-5:45 noong Sabado ng umaga nang magsagawa ng buy-bust operation sa Brgy. Seneguelasan, Bacoor City kung saan nakipagtransaksiyon sina Sarinas, Devara at Halog sa poseur buyer na nagresulta sa kanilang pagkakaaresto at nakumpiska ang anim na gramo ng hinihinalang shabu na P40,800 ang street value.

Muling nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Bacoor CPS dakong alas-2:20 noong Linggo ng madaling araw sa Brgy. Molino 3, Bacoor City na nagresulta sa pagkakaaresto kina Villamero, Mahilom at Aguilar at nakumpiska sa kanila ang tinatayang 10 gramo ng shabu na may street value na P86,000.

Sa kabuuan, umabot sa 16 gramo ang nakumpiska na tinatayang P126,800 ang halaga. (SIGFRED ADSUARA)

93

Related posts

Leave a Comment