NPA ASST. SQUAD LEADER SUMUKO SA SAMAR

MAKARAAN ang engkwentro kamakailan sa pagitan ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at teroristang/komunistang New People’s Army (NPA) sa Brgy. Osmeña, Dolores, isang sugatang NPA assistant squad leader ang sumuko sa mga awtoridad sa nasabing lalawigan.

Kinilala ang sumuko na si Norie Pacismos y Abadiado, alyas “Good”,

miyembro ng Squad 1 ng ELCON Platoon, F3, SRC SESAME, EVRPC, at tubong Brgy. Ang Can-aponte, San Jose De Buan, Samar.

Sa pamamagitan ng aktibong suporta ng pamayanan sa Dolores, Eastern Samar sa mga awtoridad, kusang sumuko ang nasabing lider ng NPA sa Dolores, Municipal Police Station (MPS).

Noong Agosto 21, 2021 dakong alas-9:30 ng umaga, ang mga opisyal ng Brgy. Gap-ang ay humingi ng tulong sa Dolores MPS kaugnay sa umano’y presensya ng CTG sa kanilang barangay, na naglalayong sumuko sa mga awtoridad.

Bilang tugon, ang istasyon ng pulisya, sa ilalim ng pamumuno ni P/Maj. Aldwin A. Balete, OIC, at sa ilalim ng direktang pangangasiwa at kontrol ni P/Col. Matthew L. Aseo, Provincial Director, Eastern Samar Provincial Police Office (ESPPO), ay inatasan ang mga opisyal ng barangay na samahan ang hinihinalang kasapi ng CTG sa Sitio Luhang, Brgy. Ang, Sto. Niño, Dolores, E. Samar, para sa pormal na kustodiya.

Dakong alas-2:00 ng hapon sa parehong petsa, ang sumuko ay dumating sa nabanggit na lugar.  Agad namang pinuntahan ng mga pulis ng Dolores Police Station, kasama ang mga tauhan ng ESPPO, ang nabanggit na lugar upang sunduin ang sumuko at dinala sa Dolores MPS para sa profiling, taktikal na pagtatanong at disposisyon. (JOEL O. AMONGO)

188

Related posts

Leave a Comment