LALAKING BEDRIDDEN NATUSTA SA SUNOG

QUEZON – Halos hindi na makilala ang isang lalaking bed ridden makaraang makulong sa nasunog niyang kubo sa Brgy. Villa Ibaba, sa bayan ng Atimonan sa lalawigang ito, noong Sabado ng gabi.

Ayon sa report ng Atimonan Police, mag-isang natutulog sa kanyang kubo ang biktimang si Francisco Gonzales Ortiz nang makita ng mga kapitbahay na nagliliyab ito.

Mabilis na natupok ang kubo na gawa lamang sa pawid at kawayan.

Nang maapula ang apoy ay nadiskubre ang sunog na katawan ng biktima.

Isang improvised flashlight na ginagamit ng biktima ang pinaniniwalaang pinagsimulan ng apoy. (NILOU DEL CARMEN)

174

Related posts

Leave a Comment