PASLIT NATUSTA SA POSPORO

LAPU-LAPU CITY – Natusta ang isang 4-anyos na babaeng paslit nang sumiklab ang apoy dahil sa pinaglaruan nitong posporo sa kanilang bahay sa lungsod na ito.

Kinilala ang biktimang si Candice Pailden, 4, residente sa Sitio Cadurong Suba Masulog, Barangay Basak, ng nasabing lungsod.

Batay sa report ng Lapu-Lapu City Fire District, nagsimula ang apoy sa bahay ng pamilya Pailden noong Lunes ng madaling-araw.

Kuwento ng ina na si Malou Pailden, huli niyang nakita ang anak na may hawak na posporo at nilalaro nito hanggang sa nakatulog.

Ngunit makalipas ang ilang ang oras ay nagliyab ang kanilang bahay kaya dali-dali siyang lumabas ng bahay bitbit ang isa pa niyang anak na sanggol.

Tinangka pa niyang balikan si Candice para iligtas pero lumaki pa lalo ang apoy hanggang sa tuluyang lamunin ang kanilang tahanan at nadamay ang apat pang bahay na katabi nito.

Hinala ng mga awtoridad, posibleng mayroon pang baga ang posporo at naitapon ito sa foam na higaan ng biktima na naging sanhi ng sunog na ikinamatay ni Candice. (ANNIE PINEDA)

395

Related posts

Leave a Comment