DRUG GROUP LEADER NALAMBAT SA NAVOTAS

NASAKOTE ng Navotas City Police ang sinasabing lider ng isang drug group at nangunguna sa talaan ng most wanted persons ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Kinilala ang dinakip na si Ryan Jay C. Castillo alyas Bandam, binata, 25, istambay, ng Sitio Greenhills, Brgy. Balinggayan, Calapan Oriental Mindoro.

Ayon sa ulat, dakong alas-2:30 ng hapon noong Agosto 18 nang madakip si Castillo sa Sitio Greenhills, Barangay Balinggayan, matapos ang ilang linggong masusing pagmamatyag.

Bukod sa pagiging pinuno ng Castillo drug group at most wanted person ng DILG, suspek din si Castillo sa umano’y pagpatay kay Ryan T. Yap noong Agosto 17, 2012 at may pabuyang P335,000 na nakapatong sa kanyang ulo.

May nakabinbin ding arrest warrant laban kay Castillo na inisyu ni Judge Romana Maria Melchora P. Lindayag-del Rosario ng Regional Trial Court (RTC) Branch 267, Navotas City para sa kasong murder.

Bukod dito, mayroon ding inisyung arrest warrant laban kay Castillo si Judge Ronal Q. Torrijos ng Branch 288, Navotas City para rin sa kasong murder at walang piyansang inirekomenda.

Para naman sa five counts ng attempted murder ang warrant of arrest laban sa suspek na inisyu ni Judge Emmanuel D. Laurea ng RTC 168, Malabon City. (ALAIN AJERO)

231

Related posts

Leave a Comment