GASTOS SA COVID VACCINES IDEDETALYE SA SENADO

KAABANG-ABANG ang gagawing pagharap ng mga taga-Department of Finance at National Task Force against COVID-19 sa Senado ngayong araw para sa isang pagdinig na may kinalaman sa naging paggasta ng pamahalaan sa pagbili ng bakuna.

Sinabi ni Chief Implementer at vaccine czar Carlito Galvez Jr., wala siyang eksaktong numero na mailahad patungkol sa expenses ng pamahalaan at bahala na aniya rito ang Finance Department upang hindi magkaroon ng conflicting figures.

Magkagayon man, sinabi ni Galvez na ang kabuuang budget para sa vaccine purchase na inilaan ay pumapalo sa 88.6 billion pesos.

Aniya, kasama rito ang pagbili ng peripherals gaya ng diluents, syringes at cold chain management third party provided costing.

“Sa ating budget, ang ano po natin is, initially mayroon po tayong budget na 82.5 million,” aniya.

Samantala, kinumpirma naman ni Galvez na may hiniling na silang 2.8 billion contingency fund kamakailan sa harap ng patuloy na pag-angkat pa ng pamahalaan ng bakuna.

“So ibibigay po, magkakaroon po tayo ng senate hearing this coming Wednesday. We might have iyong DoF iyong magbibigay po ng exact figure para hindi po tayo magkaroon ng tinatawag na conflict ng figures,” aniya pa rin. (CHRISTIAN DALE)

189

Related posts

Leave a Comment