KELOT NAPATAY SA VOLLEYBALL

CEBU – Basag ang bungo ng isang lalaki makaraang hatawin ng kahoy sa ulo ng kapitbahay dahil lamang sa larong volleyball sa bayan ng Tabuelan sa lalawigang ito, iniulat ng pulisya nitong Miyerkoles.

Kinilala ang biktimang si Roel Pekitpekit, 45, habang nadakip naman ang suspek na si Matthew Ponce Layague, nasa hustong gulang at kapwa residente sa Barangay Kantubao, Tabuelan, Cebu.
Batay sa report ng Tabuelan Police Station, dakong alas-4:15 ng hapon nang mangyari ang insidente sa nasabing lugar.

Lumabas sa imbestigasyon, madalas na naglalaro ng volleyball ang magkakapitbahay at kinukuha nilang referee ang biktima.

Ngunit bigla na lamang itong hindi kinuha ng mga kapitbahay nang maglaro sila ng volleyball.

Sa sama ng loob ng biktima, naglasing ito at sinugod ang mga kaibigan na naglalaro volleyball, na kinabibilangan ng suspek.

Habang nasa gitna ng pagtatalo ay natumba ang biktima na pinagsisipa sa ulo ng suspek. Hindi pa nakuntento, kumuha ng kahoy ang suspek at inihataw sa ulo ng biktima.
Agad namang dinala sa ospital ang biktima ngunit kalaunan ay nalagutan ng hininga.

Nadakip ng nagrespondeng mga awtoridad ang suspek na nahaharap sa kasong pagpatay. (ANNIE PINEDA)

167

Related posts

Leave a Comment