BILANG tugon sa patuloy na paglobo ng bilang ng mga residenteng tinamaan ng COVID-19, minabuti ng Quezon City government na isailalim sa special concern lockdown (SCLA) ang 63 lugar sa nasabing lungsod.
Paglilinaw naman ng QC government, tanging mga kalye, compound o kabahayan lamang kanilang isinailalim sa mahigpit na pagbabantay upang maiwasan ang pagkalat pa ng nakakahawang karamdaman.
Kabilang sa mga isinailalim sa SCLA ay mga tukoy na kalye, compound o bahay kung saan naitala ang hawahan.
Bagamat nasa mahigpit na pagbabantay, tinuyak naman ng QC government na kanilang tutugunan ang pangangailangan ng mga residenteng pansamantalang hindi pinahihintulutang lumbas ng kani-kanilang mga bahay.
Bunsod na din sa laki ng nasasakupan at taas ng populasyon, kabilang ang Quezon City sa mga lungsod kung saan may mataas na bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 kahit pa noong nakaraang taon. (JOEL AMONGO)
174 