MARCOS: ESSENTIAL WORKERS IPRAYORIDAD SA PAGBABAKUNA

HINIMOK ni dating Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. ang pamahalaan na isama sa priority list ng vaccination program ang mga essential worker, partikular iyong mga nagtatrabaho sa food chain business and basic service utilities.

“We categorized them as authorized persons outside of residence (APOR) and allow them to go out for a living, that’s why we must have them vaccinated,” paliwanag ni Marcos.

Ayon kay Marcos, bagaman naabot na ng maraming local government units, partikular sa urban centers ang pagbabakuna sa category A4 o essential workers, marami pa ring bahagi ng essential industry manpower ang hindi pa bakunado.

Nauna nang iniulat ng Department of Health (DOH) na sa mahigit 28 milyong manggagawa na kailangang bakunahan, halos dalawang milyon pa lamang sa mga ito ang nabigyan ng bakuna.

“Kailangan din po nating isipin na marami sa mga essential workers ay nakatutok sa paghahanapbuhay at ang malaking bilang sa kanila ay arawan lang ang kita kaya hindi sila basta-basta makakapag-absent sa trabaho dahil mababawasan ang sweldo,” pahayag ni Marcos.

Mawawala aniya ang pangamba ng mga manggagawa na mahawa sa COVID-19 at hindi rin sila mag-aatubiling lumabas para maghanap-buhay kung sila ay bakunado na.

“Malaking tulong kung magawan din ng paraan ng mga local government kung paano sila mapabakunahan sa kabila ng pagiging okupado ng kanilang oras sa trabaho,” aniya.

Kaya iminungkahi rin niya ang pagkakaroon ng ‘night shift’ vaccine rollout para mabigyan ng mas mahabang oras ang mga manggagawa.

“Maaari po namang maglaan ang LGUs ng team na pwedeng magbakuna sa gabi pagkauwi ng mga essential workers mula sa kani-kanilang mga trabaho,” ani Marcos.

“But the bigger challenge here is the supply of vaccines. I just hope… and I strongly urge the IATF and our local government leaders to include the essential workers in the priority list when vaccine supplies become available ” pagtatapos ni Marcos.

140

Related posts

Leave a Comment