UMAPELA ang Quezon City government noong Huwebes sa Philippine Statistics Authority (PSA) para i-validate ang kanilang 2020 census matapos iulat ng ahensya na ang populasyon ng siyudad ay tumaas lamang ng 23,932 mula 2015 hanggang noong nakaraang taon.
“Napaka-imposible ng resulta ng census na ito. Paanong nangyari na ganun lang ang itinaas ng aming populasyon, na malayung-malayo sa datos na nakalap ng aming Civil Registry Department,” ani Mayor Joy Belmonte.
Tinutukoy ni Belmonte ang 2020 census ng PSA, na kung saan ay nakalagay na ang city’s population ay tumaas lamang ng 23,932 o 0.17 percent ‘annually’ mula 2,936,116 hanggang 2,960,048 sa loob ng limang taon.
“This is very far from the 2015 projections for 2020 by statisticians that our city’s population will increase by 1.17% per year or to 3.112 million,” ani Belmonte.
Base sa pinabagong records mula sa City Civil Registry Department, sinabi ni Belmonte na may 333,468 registered births at 115,810 deaths mula 2015-2020.
“Even if you subtract the deaths, we have a difference of more than 200,000. Kaya ang malaking tanong dito, saan nakuha ng PSA ang kanilang mga numero?” tanong pa ni Belmonte.
“Wala naman nangyaring mass exodus ng mga QCitizens mula sa aming lungsod in the last five years sa pagkakaalam namin,” banggit pa niya.
Kaugnay nito, sinabi niyang kailangan niya ng tama, ang bilang na iprinisenta ng PSA ay hindi lamang istatistika, subalit may epekto sa mga serbisyo na ang siyudad ang nagbibigay sa kanilang mamamayan, lalo na pagdating sa tulong pinansyal na ibinibigay ng national at city government.
“Kawawa ang mga maliliit na barangay at kanilang mga residente. Mababawasan ang kanilang pondo pero ang katotohanan ay napakarami nila sa komunidad,” ayon pa sa alkalde.
Kaugnay nito, nananawagan si Belmonte sa PSA evaluators na makipagtulungan sa barangay officials matapos na iulat ng ahensiya na karamihan sa mga barangay ay nawalan ng makabuluhang bahagi o pagitan ng 30 hanggang 54 porsyento ng kanilang populasyon.
“The buildings and houses are still there and there are ongoing constructions. Saan napunta ang tao? Unrealistic that up to 54 percent of the population vanished. And this happened in not just one barangay but multiple barangays,” pahayag pa ni Belmonte. (JOEL O. AMONGO)
285 