HINDI biro ang naging karanasan ng Kalakhang Maynila nang dumausdos ang supply ng tubig ng Angat Dam na naging sanhi ng malawakang water supply interruption noong 2019.
Milyun-milyong Pilipino mula sa mga lungsod at munisipalidad na sakop ng Manila Water at Maynilad ang lubos na naapektuhan ng krisis na ito.
Bagama’t naging aktibo ang mga konsesyunaryong ito sa pagrasyon at pagtalaga ng mga interim na pagkukunan ng tubig, hindi pa rin maikakaila ang naging mabigat na epekto nito lalo na sa maliliit na mga negosyante, mga manggagawang pumapa sok sa trabaho, pati na rin sa mga estudyanteng nakatira sa mga dormitoryong may matataas na palapag at iba pa.
Naging pangamba ng karamihan kung ano ang maaaring maging sitwas yon sa darating na mga araw, buwan, at taon. Mauulit pa nga ba ang ganoong kalbaryo?
Kung meron mang “silver lining” ang krisis na naganap, ito ay nag-udyok sa mga konsesyunaryo na maging mas mapamilit at maliksi sa pag lunsad ng mga proyekto para ma siguro ang water security sa kabiserang rehiyon.
Samu’t saring mga proyekto ang nasimulan ng Manila Water sa nagdaang taon upang maiangat ang kapasidad nito, sa ngalan ng pagbibigay ng serbisyong dekalidad 24/7.
Kamakailan lang ay ibinalita ng Manila Water ang kasalukuyang infra project nito: ang Nova liches-Balara Aqueduct 4 (NBAQ4) na may habang pitong kilometro na nagmula sa Balara, Quezon City hanggang sa La Mesa Reservoir.
Ang proyektong ito ay nagkakahalaga ng P5.5 bilyon at itinuturing na isa sa pinakamalaking mga proyekto ng Manila Water at Metropolitan Waterworks and Sewerage System.
Ito rin ang kauna-unahang proyektong ginamit an ng tunnel-boring machine o TBM sa Kalakhang Maynila na tinatayang matatapos sa susunod na taon.
Natapos na ang pagbu bungkal ng lupa na pagla latagan ng aqueduct ma tapos tumagos sa La Mesa Reservoir, na siya namang pagtatayuan ng intake tower, ang TBM.
Kung susumahin, ang NBAQ4 ay nagsisilbing ika-apat na aqueduct na magsu-supply ng tubig mula La Mesa Reservoir patungong Balara Treatment Plants (BTP) 1 at 2.
Ang bagong aqueduct na ito, na kayang magbigay ng 1,000 million liters per day na raw water sa BTP, ay magbibigay-daan din upang masimulan na ang rehabilitasyon ng tatlong naunang aqueducts na itinayo noon pang 1929, 1956, at 1986.
Kung magkagayun, malaki ang magiging parte ng NBAQ4 upang masigurong mananatiling maayos ang raw water transmission system ng Manila Water.
Ang proyektong ito ay hudyat ng mga makabagong proyekto ng Manila Water upang mas magampanan pa nila
ang kanilang responsibilidad sa mahigit na 7 mil yong populasyon sa East Zone.
Kung pagbabago man itong maituturing, ang tanong ng karamihan: Sapat na ba ito upang supilin ang suliraning kinaharap noong 2019?
Kung patuloy na magkakaisa ang konsesyunaryo at ang gobyerno sa pagpapabilis ng implementasyon ng mga proyektong may long-term na
benepisyo, mas masi siguro nating mas uunlad ang kalidad ng buhay ng mga Pilipino sa NCR.
oOo
Para sa suhestiyon at reaksyon mag-email sa joel2amongo@yahoo.com.
233 