ARESTADO ang dalawang babaeng hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation ng nagsanib na mga operatiba ng PNP-DEG, RDEU5, Zapote sub-station at Las Piñas City Police sa Manuyo Uno, Las Piñas City noong Agosto 27.
Kinilala ni Las Piñas City chief of police, P/Col. Rodel A. Pastor ang dalawang suspek na sina Kimberly Cruz Teves, 19, at Christine Joy Magdatu Caballero, 18, kapwa residente ng Las Piñas City.
Nakumpiska sa dalawang suspek ang tinatayang 100 gramo ng shabu na P1,700,000 ang market value.
Ayon sa report ni Col. Pastor, dakong alas-1:15 ng hapon noong Agosto 27, nagkasa ng buy-bust operation sa Manuyo Tramo St., Brgy. Manuyo Uno, Las Piñas City ang mga operatiba PNP-DEG, RDEU5, Las Piñas City Police at Zapote sub-station na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek na kapwa nasa drug watch list ng pulisya.
Patuloy na iniimbestigahan ang dalawang suspek na nasa kustodiya na ng PNP-DEG SOU5 para sa dokumentasyon at wastong disposisyon.
“Ang milyong halaga ng droga na nakuha ng pinagsanib na pwersa ng PNP-DEG, PDEA at SPD ay muli na naman sanang sisira sa buhay ng ating mga kababayan na gagamit nito. Dahil sa agarang aksyon ng ating mga tauhan, ito ay agad na nakumpiska. Binabati ko ang masigasig nating mga tauhan na patuloy na nagtatrabaho upang malinis ang ating komunidad sa ipinagbabawal na gamot,” pahayag ni ni P/BGen. Jimili Macaraeg. (DAVE MEDINA)
151 