OBIENA, 5th SA DIAMOND LEAGUE

SLOWLY but surely.

Ganito ang ginagawa ni Pilipino pole vaulter EJ Obiena sa kanyang pagbabalik sa international competitions matapos mabigong magpodium finish sa nakaraang Tokyo Olympics.

Nagkasya sa fifth place si Obiena sa ­kabuuang 10 kalahok sa Athletissima, na bahagi ng Wanda Diamond League sa Lausanne, Switzerland.

Ito ang kauna-unahang torneo niya makaraan ang 11th placing sa pole vault event ng Tokyo Olympics.

Nagawang talunin ni Obiena ang 5.52 meters para makisalo sa fifth place kasama sina Ethan Cormont ng France at KC Lightfoot ng United States.

Nanguna sa Athletissima ang American na si Christopher Nilsen na nagawang tumalon ng 5.82 meters, habang pumangalawa ang kababayan niyang si Sam Kendricks.

Pumangatlo si Timur Morgunov ng Russia (5.72m), habang pumang-apat lang ang Olympic champion at world record holder na si Armand Duplantis (5.62m).

Nasa fifth place ­ngayon si Obiena sa Diamond League qualifiers standings na may nine points.

Umakyat sa first place si Kendricks sa natipong 29 points, kasunod ang may 28 points na si ­Duplantis.

163

Related posts

Leave a Comment