IREREKOMENDA ng Inter-agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagpapatuloy ng limited face-to-face classes sa mga lugar na may mababang bilang ng COVID-19 cases.
“The presentation will show that the benefits of pilot face-to-face classes in areas with low COVID-19 cases outweigh the risk,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.
“The presentation should be made soon before the opening of classes in September and should help the President make the decision,” dagdag na pahayag nito.
Hindi pa sakop ng COVID-19 vaccination program ng gobyerno ang mga kabataang may edad 17 pababa.
Sa ulat, mayorya ng mga mag-aaral sa pampublikong paaralan ay kaunti lamang ang natutunan sa ilalim ng distance learning bilang pag-iingat sa COVID-19.
Batay sa survey na isinagawa ng Movement for Safe, Equitable, Quality and Relevant Education (SEQuRE Educ Movement), naglalaro sa 66% hanggang 86% ang mga mag-aaral na kaunti lamang ang natutuhan sa gitna ng online classes.
Habang 74% ang nagsabing mayroon namang natutuhan ngunit hindi katulad noong normal pa ang sitwasyon. (CHRISTIAN DALE)
239 