96 KATAO NASAGIP NG PAF SA MANDALUYONG FIRE

KINAILANGANG magpabalik-balik ng 15 beses ang isang air asset ng Philippine Air Force para mailigtas ang 96 kalalakihan at kababaihan na na-trap sa bubong ng isang nasusunog na gusali at ilipat sa kalapit na gusali ng SM Megamall.

Ayon kay Philippine Air Force (PAF) Commanding General, Lt. Gen. Allen Paredes, gamit ang S-76A helicopter Nr 206, isinakay ang mga stranded at na-trap na sibilyan mula sa rooftop ng Mega Tower Building at ilipat sa kalapit na building sa isinagawang rescue and air evacuation

operation.

“The Philippine Air Force S-76A Nr 206 from the 505th Search and Rescue Group has successfully evacuated people trapped at the Metro Tower Building in Mandaluyong City which caught fire earlier today (Huwebes ng hapon),” ayon sa ulat na ibinahagi ni PAF Public Information Office chief, Col. Maynard P. Mariano.

In-airlift ng mga tauhan ng PAF 505th Search and Rescue Group ang 96 na sibilyan na na-trap nang magkaroon ng sunog sa Mega Tower building sa Mandaluyong City.

Sinabi ni Paredes, naka-15 balik ang helicopter para madala sa ligtas na lugar ang lahat ng mga sibilyan.

Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog sa ika-25 palapag ng Mega Tower building bandang alas-10:30 ng umaga at idineklarang fire-out ng bandang alas-3:50 ng hapon.

Samantala, una nang sinabi ng Bureau of Fire Protection na 10 construction workers ang kanilang na-rescue mula sa nasusunog na 25th floor ng nasabing building kung saan isa ang sugatan matapos tamaan ng mga basag na salamin ang kamay.

Ayon kay Mandaluyong Fire Station chief, Fire Supt. Alberto de Baguio, lumitaw sa inisyal na imbestigasyon ng kanilang arson investigators, nagsimula ang apoy sa isang ducting insulation ng air conditioning unit ng nasabing building.

Ang nasunog na Mega Tower ay wala pang occupant dahil ongoing ang konstruksyon nito at tanging mga trabahante lamang ang nasa loob. (JESSE KABEL)

174

Related posts

Leave a Comment