AKOOFW, OK KAY DU30

LEHITIMONG kinatawan ng mga manggagawang Filipino sa ibayong dagat ang dapat maupo sa Kongreso upang tiyaking isusulong nito ang kapakanan ng bayani ng makabagong panahon, ani Pangulong Rodrigo Duterte kasabay ng pahayag ng suporta nito sa AKOOFW partylist group.

Sa isang pulong na ginanap sa Davao City kamakailan, ipinrisinta ni Coco Naik ang plataporma at adhikain ng AKOOFW sa Pangulo na agad namang tumugon ng suporta sa isinusulong ng nasabing partylist group.

Kwento pa ni Naik, na vice chairman for political affairs ng AKOOFW, nalugod ang Pangulo dahil magkakaroon na ng isang agresibong tinig ang mga manggagawang Pilipinong nakikipagsapalaran sa ibang bansa.

Bunsod nito, tiniyak ni Naic na ring radio broadcaster ng DWDD, na makikipagtulungan ang kanilang hanay sa Pangulong “higit na kilala sa walang kapantay na pagmamalasakit sa mga OFW.”
Naging maugong ang grupong AKOOFW dahil sa pagtulong sa mga distressed OFWs sa ibang bansa.

Kamakailan ay inilunsad din nito ang kanilang AKOOFW Kusina ng Bayan na ang layunin ay matulungan ang mga mamamayan na naapektuhan ng pandemya sa buong National Capital Region at karatig na probinsiya. (DAVE MEDINA)

152

Related posts

Leave a Comment