HINILING ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Commission on Audit (COA) na i-audit ang Philippine Red Cross, isang non-government at non-profit agency.
Inakusahan kasi ng pangulo si PRC Chairman at Chief Executive Officer Senator Richard J. Gordon na ginamit nitong “milking cow” ang organisasyon.
Muli ay binatikos ni Pangulong Duterte si Gordon, nangunguna sa Senate probe sa diumano’y overpriced COVID-19 equipment, inakusahan ng chief executive ang senador na ginamit ang pondo ng Red Cross para sa pangangampanya.
“I dare say na ginamit mo talaga ito para sa elections. Ito yung milking cow mo e. You have been there for quite a time. Is it not fair to say na bumitaw ka na to give others a chance para mahinto mo na ‘yung ginagawa mong kalokohan,” ayon sa pangulo sa kanyang Talk to the People, Huwebes ng gabi.
Mayroong post sa COA website na isa sa responsibilidad ng komisyon ang “Examine, audit and settle all accounts pertaining to the revenue and receipts of, and expenditures or uses of funds and property owned or held in trust by, or pertaining to, the government.”
Kaya dapat lamang aniya na makita ang record ni Gordon bilang public official para madetermina kung “guilty” ito sa malversation of funds.
Sa kabilang dako, para sa pangulo, isa sa pinakamalaking kasalanan ni Gordon ay nang ipahinto nito ang coronavirus testing matapos na magkaroon ng milyong pisong pagkakautang ang Philippine Health Insurance Corporation sa PRC. (CHRISTIAN DALE)
173 