MAYOR JOY UMIIWAS SA OVERPRICED FOOD PACKS – DEFENSOR

IMBES na sagutin, umiiwas si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa umano’y overpriced na food packs na binili nito sa halagang P402.5 million kaya nawalan ng P180 million ang mamamayan sa lungsod

Ayon kay Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor, imbes na ipaliwanag ang nasabing usapin ay tinawag umano ito ng alkalde na “black propaganda” lamang.

“The statement dismissing the accusation as black propaganda and calling us trolls does not answer the issue. Mayor Belmonte should explain why a single procurement was overpriced by as much as P180 million,” ani Defensor.

Base umano sa dokumento na nakuha ni Defensor, bumili ang Lungsod Quezon ng food packs sa Thyme General Merchandise na matatagpuan sa #32 Batay St., Cubao, Quezon City.

Mismong si Belmonte aniya ang lumagda sa PO o purchase order ng 350,000 food packs na nagkakahalaga ng P1,149.98 ang bawat pack kaya nagbayad ang Lungsod Quezon ng P402.5 million.

Gayunpaman, lumalabas na P636 ang halaga umano ng mga pagkain na nasa isang food pack na binili ng lungsod kaya kung susumahin, overpriced ito ng P180 Million.

Kinuwestiyon din ng mambabatas kung bakit idinaan sa ‘negotiation” ang pagbili ng food packs gayung hindi biro ang halagang sangkot.

“They should have called for a simplified bidding or submission of offers to obtain the best price. The fact that they negotiated the procurement indicates that there was an indecent haste in the purchase of food packs,” ayon pa sa kongresista.

Hindi rin umano nakasaad sa PO kung kailan binili ang food packs kaya mistulang minadali ang pagbili.

“In their rush to finish the transaction, they forgot to put a date on the purchase order,” ayon pa sa dating kinatawan ng ikatlong distrito ng Quezon City sa Kongreso.

Nangako naman si Commission on Audit (COA) Chairman Michael Aguinaldo na sisilipin ng komisyon ang biniling food packs ng lungsod. (BERNARD TAGUINOD)

135

Related posts

Leave a Comment